“So be sure when you step, Step with care and great tact. And remember that life's A Great Balancing Act. And will you succeed? Yes! You will, indeed! (98 and ¾ percent guaranteed) Kid, you'll move mountains.”
― Dr. Seuss, Oh, The Places You'll Go!
CATHRINA MAGBOO VILLAMOR, RN
WARNING: TAGALOG ANG POST NA ITO! PARA MAS MA SHARE KO ANG LAHAT LAHAT! (:
HINDI KO ALAM KUNG PANO SISIMULAN! UGH! GAME!
Actually feeling ko sumuko na talaga ako kasi alam niyo yun.. sobrang down na down na ako kasi nung last take ko flat 73% ang average ko. Meaning kinulang pa talaga sa effort. Tas sabi ko kina Mama ayoko na talaga. suko na ako, ang sama kaya sa pakiramdam! Alam mo yung natanggap ko na sa sarili na di yata ako talaga laan maging NURSE. So nag apply ako ng work somewhere. Then pasahan na ng requirements, nung medical hiningan ng ULTRASOUND! at take note, ayoko nga!!! :))) naisip ko mag eexam na lang ako. as in biglaan ang lahat, wala sa plano.. 2 days before the deadline nag file ako. DAHIL DELUBYO ANG NARANASAN KO SA PAGPILA. INABOT NA AKO NG GABI, PINANGAKO KO SA SARILI NA ANG SUNOD NA PILA KO IS FOR LICENSE NA.
Biglang naisip ko na kelangan ko ng bagong environment. nag enroll ako sa MERGE-MORAYTA. Nawala ako sa ere ng ilang months at sobrang dami ng nagtetext sakin kung bakit di ako nagpaparamdam. akala nila buntis ako or nag abroad kasi bukod sa Family ko, 7 friends ko lang ang nakakaalam (di ko na sasabihin kung sino sila baka madaming magtampo) HAHAHAHA Then, nag stay ako sa condo ng pinsan ko. PINANINDIGAN KO ANG NO INTERNET, NO TV, NO LOAD **para sure thing ang FOCUS! Sinabi ko sa sarili ko na ipapasa ko na to para maging proud na sina MAMA! hahaha
At ang kapangyarihan ng pag-UPO sa SULOK ang naging susi sa matindihang FOCUS! sulok ng bahay, tas sa review lagi din akong nasa sulok tas hindi talaga ako naging friendly. Wala akong pakialam kahit isipin at sabihin ng mga co-reviewers ko na suplada o masungit ako. Sinacrifice ko talaga lahat yan. After review nagsisimba ako sa Quiapo tas uwi agad sa condo. Till 10pm lang dapat magreview para di napupuyat. Hindi ko nga lang natupad ang NO ABSENT POLICY ko kasi nilagnat ako so kinailangan ko mag half day! Tas hindi na ako natutulog sa oras ng class! HAHAHAHAHA sobrang kinarir ko ang pag rereview simula nung nakasama ako sa TOP 10 ng post test! I'M SO GREAT! first time in the history! HAHAHAHA AT TAKE NOTE: HINDI AKO NANLALAKE PROMISE! KELANGAN PALA TALAGANG WALA AKONG LOVE LIFE PARA PUMASA EH! :)))
Iba yung kabang naramdaman ko nung exam. as in the night before exam nag LBM ako tas kinabukasan nagsuka naman ako. Tas ang fun pa, dapat kasama ko si mama nung exam.. tas biglang nung araw na ng exam nagtext siya. "anak di kita masasamahan pupunta ako sa Baguio!" amazing diba. hahahaha tas CROSSINI lang ang kinain ko at ang mahiwagang candy ng M&S during exam. Alam mo yung pag hawak ko ng test paper ko ang dinasal ko lang talaga kay Poong Nazareno "SANA PO WALA NA ANG TANONG ABOUT BUBUYOG! PAG WALA PO YUN PAPASA NA AKO" habang hawak ko ang Blessed rosary na bigay ng Bestfriend ko. Pag may mga tanong na hindi ko na talaga alam.. ang ginawa ko lang was pumikit at magdasal (ang unang letter na nakita ko pag mulat yun ang sagot hahaha) THEN NP2 NUMBER 80 NUNG NAKITA KO ANG NAME NA NAZARENO NAIYAK AKO AT KINILABUTAN NG SLIGHT KASI ALAM KONG KASAMA KO SIYA AT ALAM KONG PAPASA NA AKO! **tindi ng faith ko no? :))) BAGO NGA MAG EXAM NAGPA THANKSGIVING MASS NA SI MAMA! hahahaha iba ang tiwala nila sakin. grabe!
July, 8,2013 11:04am, tumawag si MARK SAMSON.. he was like "CONGRATS RN BLAH BLAH BLAH" and i was like "hoy! wag kang ano, naglalaba ako!!! pag ako niloloko mo magpapakamatay ako! tatalon ako sa balcony! di nga???" then tumawag na din yung isa kong twin sissy pasado daw ako! tas hindi pa rin ako naniwala.. then nung si mama na ang tumawag i was like "mama ahuhuhuhuhuhuhuhuhu i'm so great!" :)) edi sige naniniwala na ako.. kaya nagtingin na ako sa net.
at sila ang chakra ng buhay ko! ang lapis na napulot ko sa sulok ng bahay namin. lapis pa yata yan ng kapatid ko nung elementary **OA hahaha ang cute na calcu ni kuya na kapag inaantok ako nung exam, pinaglalaruan ko na lang yung mata.. baka may sagot na makita at ang ballpen ng footbridge sa morayta! ginamit ko yan since start ng review! i'm so great :))
16,219 out of 37,887 passed the Nurse Licensure Examination given by the Board of Nursing last june 2-3,2013 Nursing Licensure Examination
What you think and what you feel and what actually manifests is
ALWAYS a match - no exception *THE SECRET i'm so great!!!
Again, thank you so much kay POONG NAZARENO sa sobrang pag guide niyo sa akin, Kay Kathboo na pinanuod sa akin ang THE SECRET at grabehan ang pag attract namin sa positive energy, kay mama, papa at sa mga kapatid ko na puro pang jo-joke ang alam para makapasa na ako, kina tito at tita na sponsors *hahahaha sa mga kasama ko sa condo na grabehan mag motivate na "wag na mag-aral", sa PAMANTASANG NAMING MAHAL, MAGITING NA MANILA CENTRAL UNIVERSITY! apat na taon niyo akong inalaagan.Sa lahat ng naging professors at clinical instructors ko, thank you so so so much po! sa MERGE REVIEW CENTER na sobrang husay sobrang salamat po!!!! RN POSITIVE!sa mga seatmates ko sa review na kahit last 10 days inampon niyo ako at naging katawanan ko kayo, sa mga friends and friends of friends ko.. thank you!!! sa mga hindi nagtiwala na kaya kong ipasa to thank you parin!at sa mga guards na tanging nagdulot lang stress sa akin! thank you din.
i'm so happy and proud. pwede na akong ipagmalaki ni mama! HAHAHAHAHAHA pwede na rin niya ipa-frame ang nag iisang pic ko na naka cap! HAHAHA
After many failures. napatunayan ko na ang linyang "i won't give up!" THANKS BON! hahahaha
“Make a pact with yourself today to not be defined by your past. Sometimes the greatest thing to come out of all your hard work isn't what you get for it, but what you become for it. Shake things up today! Be You...Be Free...Share.”
bloggin'
KHATES (;
No comments:
Post a Comment