JAP-STICK
by: Cathrina M. Villamor
wala akong alam tungkol sayo
dati di kita pinapansin
di ko alam kung para saan ka.
ngayon bigla kang dumating
sa aming buhay nag bigay saysay
nagbahagi ginhawa sa aming lahat.
dahil sa menthol mong amoy
kami'y nakahinga ng maluwag
aming dibdib biglang nagluwag.
paano nalang kami,
kung wala ka sa buhay namin
siguradong himatay ang aabutin
maraming salamat at ika'y nakilala
sa sandaling panahon,
kami'y sumaya.
No comments:
Post a Comment